Saturday, September 21, 2013
SAKIT NA RAYUMA
SAKIT NA 000 (RAYUMA)
Ang sakit na ito ay karaniwan ay nagbubuhat sa pagpipigil ng ihi. Mabuti ang mag-iinom ng pinagsamang balat ng KATURAY at balat ng BANABA na ilalaga sa ilang basong tubig na siyang iinumin sa tuwing oras sa buong maghapon sa loob ng mga apat o limang araw. Kailangang pasusubuhin sa umaga at sa gabi upang huwag manapis.
Magpakulo o magpasubo ng limang basong tubig at halu-an ng kalahating basong asin. Bayaan magpatuloy ang kulo at huwag aalisan ng apoy o gatong. Kumuha ng isang makapal na tuwalya at hawakan sa magkabilang dulo at ilubog ang gitna ng tuwalya sa kumukulong tubig at saka pilipitin o pigain, at yaong matitiis ang init ay ibalot sa mga tuhod na sumasakit. Ito'y gagawin ng tatlong ulit (3 veces) at pagkatapos ay balutin ang tuhod ng damit na tuyo upang huwag mahanginan. Ito'y gagawin hanggang sa makaramdam ng ginhawa.
Mateo 5:7-10
Mateo 5:7-10 - "Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. "Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. "Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos ."Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
Tapat na Lingkod ni Cristo
2 Timoteo 2:14-26
Tapat na Lingkod ni Cristo
14 Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito at pagbilinan mo sila, sa pangalan ng Diyos, na iwasan nila ang mga debateng walang kabuluhan at walang ibinubungang mabuti; sa halip, ito'y nagpapahamak lamang sa mga nakikinig. 15 Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan. 16 Iwasan mo ang mga usapang malalaswa at walang kabuluhan, sapagkat ang mga iyan ang nagiging dahilan ng pagtalikod ng mga tao sa Diyos. 17 Ang mga katuruan nila'y parang kanser na kumakalat sa katawan. Kabilang sa mga taong ito ay sina Himeneo at Fileto. 18 Lumihis sila sa katotohanan at ginugulo nila ang pananampalataya ng iba sa pamamagitan ng pagtuturo na ang muling pagkabuhay ay naganap na. 19 Ngunit matibay ang pundasyong itinatag ng Diyos, at doo'y nakatatak: "Nakikilala ng Panginoon kung sinu-sino ang tunay na kanya," at, "Ang bawat nagsasabing siya'y sa Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan."
Friday, May 31, 2013
Ang doktrina ng Santisima Trinidad (Holy Trinity)
Ang doktrina ng Santisima Trinidad (Holy Trinity) na marahil ang isa sa pinakamahirap maunawaan sa lahat ng doktrina ng Simbahan. Itinuturo sa doktrinang ito na ang Diyos ay may tatlong persona -- ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo, ngunit may iisa lamang na Diyos.
Ang Diyos Ama, Siya ang Makapangyarihang Manlilikha, Ang Anak, Siya si Jesus, ang nag-iisang katawang-tao ng Diyos at ang Espiritu Santo na nananahan sa puso ng mga mananampalataya.
Isang paghahalintulad sa tatlong persona ng Diyos na may tatlong katauhan, halimbawa ay ang ilog, dagat at lawa. Ang mga ito ay magkakaibang anyo ng iisang bagay -- ang tubig. Ang isang tao naman ay maaaring maging isang ama, anak at asawa, ngunit kulang ang mga ito upang ipaliwanag ng lubusan ang misteryo ng Diyos na may tatlong persona.
Ngunit bakit nga ba tayo naniniwalang may tatlong persona ang Diyos? Ito ay sa dahilang inihayag ito sa atin ni Kristo. Sa Ebanghelyo ni San Juan, sinabi ni Jesus: “Dadalangin ako sa Ama, at bibigyan Niya kayo ng isa pang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohanan na makakasama ninyo magpakailanman.” (Juan 14:16)
At sa huling utos ni Kristo: “Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa; bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.”(Mateo 28:19).
Ipinaliliwanag ng maikling siping ito sa Bibliya ang Diyos na may tatlong persona.
Maaari nating sabihin na alam natin ang tungkol sa Diyos bilang tatlong persona, ngunit paano natin Siya madarama bilang Diyos na may tatlong persona?
Ipinakita ng may tatlong personang Diyos ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesukristo. “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na anak upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”(Juan 3:16)
Mararanasan natin ang buhay na Diyos, ang Santisima Trinidad sa pamamagitan ng pagpapakita natin ng pag-ibig at pagkalinga sa ating kapwa lalo na sa mga higit nanangangailangan kaysa sa atin.
Mararanasan din natin ang Diyos sa pamamagitan ng tahimik na pamumuhay, pagkakasundo at pagkakaisa.
Subscribe to:
Posts (Atom)