Friday, January 30, 2009

MAJICA NEGRA

Sa paniniwala ng higit na nakararami, ang MAJICA NEGRA ay isang gawain ng mga maka-satanas, kulam, black art, impakto o ang tinatawag na alagad ng kadiliman. Kinakasangkapan nila ang tao o hayop para sa kanilang kabuktutan.

Ang kanilang pinagmulan ay sinasabi pa ring noon pang mgailang libong taon ang nakalilipas bago ipnanganak si Kristo. Ang salitang Majica Negra ay sinasabi na malaki ang kaugnayan sa tinatawag nating mangkukulam, mambabarang,aswang, taong lobo at iba pa at ang sinasabing ispiritista (hindi naman lahat)o may ilan ay may kaugnayan din ukol dito pagkat ang kanilang lihim ay bahagi rin ng diwa nito. Subalit sa kapanahunan ito ay iilan na lamang ang nagkakaroon ng matibay na paniniwala sa kahalagahan ng Majica Negra..

Sinasabi ito ay ipinagbabawal na karunungan ng mga pantas. Ang karunungan ito ay nagdaan sa bawat saling lahi at sa daan-daang tao, subalit nananatili pa ring isang kapaniwalaan sa maraning sulok ng daigdig. May nagsasabing tanging ang mga taga timog ang hindi daw naniniwala sa mga katotohanan ito pagkat kulang sila ng pananalig o pananampalataya.

Mga katotohanan bahagi ng MAJICA:
Kung hihiwain mo ang isang lemon o dalandan sa pamamagitan ng isang bagong kutsilyo o lanseta at magsalita ka ng pagkapoot sa iyong ka galit, kahit malayo ay makakaramdam ng pagkabalisa at pagdaramdam sa katawan.

Tulad din ng paghiwa sa puso ng isang kalapating itim na paguukulan mo ng iyong poot para sa iyong ka galit ay makadarama ng labis na pagkabahala sa kanyang sarili at para siyang may sakit. Isang makaktotohanan halimbawa ay ang mangkukulam....

Babala ang sino mang gumawa ng ganito kaylan man ay hindi magtatagupay sa kabutihan+++ Tanging ang kapangyarihan ng Amang kataastaasan ang siyang huhusga sa takdang panahon+++ JAH+JAH+JAH