Friday, June 26, 2009

KASAYSAYAN NG ANAK NA BABAE NG DIYOS

SA PASIMULA, ANG DIYOS AY NANGANAK NG KAMBAL NA ESPIRITU, ISANG BABAE, AT ISANG LALAKE. SILA AY MASAYANG NAGSASAMA SA KANILANG SARILING MUNDO, AT SILA AY NASA MASAYANG KALAGAYAN SA ISA’T-ISA. ANG BABAENG ANAK NG DIYOS AY NAGSABI: NAIS KO SANANG MAGKAROON NG ASAWA NA AKING MAKAKASAMA PANGHABANG PANAHON. ITO AY HINILING NIYA SA AMA. NAGHINANAKIT ANG AMA SA KANYANG KAHILINGAN AT SINABI, HINDI PA BA SAPAT ANG LIGAYANG DULOT KO AT NG IYONG KAPATID SA IYO? ANG ISINAGOT NG ANAK NA BABAE AY: NAIS KO PO ANG MAKAPAG-ASAWA, AT MAKAKASAMA BILANG KABIYAK. ANG SABI NG AMA, PINAPAYAGAN KITA, NGUNIT IKAW ANG SASAGOT SA KANYA. PUMAYAG ANG ANAK NA BABAE. ANG DIYOS AY NAGLALANG NGA NAPAKARAMING BAGAY SA KANYANG MGA MUNDO.

HINDI SIYA NASIYAHAN SA KANYANG MGA NILALANG KUNG KAYA’T PITONG BESES NIYA ITONG SINIRA. BAGO NANGYARI ANG PAGKASIRA, AY NAGTATAG NG KONSEHO ANG DIYOS SA KALANGITAN NA KASAMA ANG BABAENG ANAK NG DIYOS AT ANG KANYANG ASAWA. ANG ASAWA NG ANAK NA BABAE NG DIYOS AY NAGING MAKAPANGYARIHAN SA KONSEHO NG MGA DIYOS. DUMATING SA PUNTO NA NAGKAROON NG PAGLALABAN SA KONSEHO UKOL SA KAPANGYARIHAN AT HINDI SA KATUWIRAN. PINAGKAISAHAN NG IBANG MGA DIYOS ANG ASAWA NG BABAENG ANAK NG SUPREMO DIYOS. HUMILING ANG MGA DIYOS NA ITO SA SUPREMO DIYOS NA PARUSAHAN ANG ASAWA NG BABAENG ANAK NG DIYOS.

ISANG MATALIM NA KIDLAT ANG TUMAMA SA TAGILIRAN NG ASAWA NG BABAENG ANAK NG DIYOS. SOBRA ANG PAGTANGIS AT PAGLUHA NG BABAENG ANAK NG DIYOS SA PAGKABIYAK SA TATLONG BAHAGI NG KANYANG ASAWA. ANG KANYANG IYAK AT PAGDADALAMHATI AY NAGTAGAL NG NAPAKAHABANG PANAHON.

DUMATING ANG PUNTO NA NAAWA ANG SUPREMO DIYOS SA KANYANG BABAENG ANAK AT SINABI: BIBIGYAN KITA NG PAGKAKATAONG BUUIN MO ANG IYONG ASAWA, KUNG TUTUPARIN MO ANG LAHAT NG AKING MGA KUNDISYONG ISISIWALAT SA IYO.