Saturday, June 18, 2011
PAANONG NABUO ANG PANGALANG JEHOVAH
Ang JEHOVA o JEHOVAH ay HINDI PANGALAN ng DIYOS.
Ang Jehovah ay bunga ng isang pagkakamali. Nakaugat ang pagkakamali na iyan sa KAKULANGAN ng KAALAMAN ng ilang NAGSALIN ng PANGALAN ng DIYOS mula sa ORIHINAL na HEBREO papunta sa salitang GERMAN.
Sa ORIHINAL na HEBREO, ang pangalan ng Diyos ay nasusulat lang sa APAT na LETRA. Iyan ang "YHWH" na tinatawag din na TETRAGRAMMATON.
Sa Exodus 3:15 ay mababasa natin na ipinakikilala ng Panginoon ang Kanyang pangalan kay Moises.
Sabi roon:
"Sabihin mo sa mga Israelita: Ang PANGINOON ... Ito ang aking pangalan magpakailanman. Ito ang itatawag sa akin ng lahat ng salinlahi.'"
Paki pansin, na ang nakasulat ay "PANGINOON." Pero kung mababasa natin ang HEBREO ng talatang iyan, ang mababasa natin ay YHWH.
Ang "YHWH" ang bumubuo ng pangalan ng Diyos.
Noong una ay alam ng mga Hebreo ang BIGKAS sa YHWH pero noong ibigay ng Diyos ang 10 UTOS ay natakot na ang mga Hebreo na bigkasin ang pangalan ng Panginoon.
Sinasabi kasi sa Ex 20:7,
"Huwag mong gagamitin ang pangalan ni YHWH, ang iyong Diyos, sa walang katuturan."
Dahil diyan ay hindi na nila binanggit ang pangalan ng Diyos. Sa halip ay ginamit nila ang "Adonai" na ang katumbas sa Pilipino ay "Panginoon" at "Lord" naman sa Ingles.
Para huwag magkamali ang mga magbabasa ng Banal na Kasulatan (dahil baka mabanggit nila ang pangalang ng Diyos), isinulat ng mga Hebreo ang "Adonai" sa ibabaw ng "YHWH" para ang "Adonai" ang masabi at hindi ang "YHWH."
Noong 200 BC o 200 taon bago ipanganak ang Panginoong Hesus, isang grupo ng eskriba na kumukopya at nagpaparami ng Kasulatan ang nagsimulang maglagay ng "vowels" sa mga salita rito, puwera lang sa "YHWH."
Hindi nalagyan ng vo-wels ang YHWH dahil sa puntong 'yon ay NAKALIMUTAN na nila ang tamang bigkas dito.
At dahil "Adonai" ang ginagamit nila kapalit sa pagbigkas ng YHWH, inilagay nila ang VOWELS ng ADONAI (ang A, O, A) sa IBABAW ng YHWH.
Sa pagitan ng 1200 at 1600 A.D., isinalin ng ilang "German scholars" ang Banal na Kasulatan mula sa Hebreo papuntang German.
Sa salitang GERMAN, ang katumbas ng YHWH ay JHVH. At iyan na nga ang mga letra na pumasok sa salin ng mga German.
Pero hindi buo ang pangalan ng Diyos dahil wala nga itong vowels.
Isang "German scholar" ang nakapansin sa vowels ng ADONAI na nasa IBABAW ng pangalan ng Diyos at ISININGIT niya ito sa pagitan ng JHVH.
Inilagay niya ang "a" sa gitna ng "J" at "H." Ang "o" ay inipit niya sa "H" at "V." At ang huling "a" ay ginawa niyang "palaman" sa pagitan ng "V" at "H."
At doon na naimbento ang salitang "JaHoVaH" na naging "Jehovah."
Diyan natin makikita na HINDI TUNAY na PANGALAN ng DIYOS ang salitang JEHOVAH.
Sa katunayan, MASAMA ang ibig sabihin ng salitang JEHOVAH.
Sa pagsusuri, ang salitang iyan ay may dalawang bahagi: ang "JE" na itinuturing na unang bahagi ng pangalan, at ang "HOVAH" na DESCRIPTION ng "JE."
Sa Hebreo, ang ibig sabihin ng HOVAH ay "RUIN o DISASTER." Sa Pilipino pa ay "WASAKIN" o "KAPAHAMAKAN."
Sa madaling salita, ang ibig sabihin ng JEHOVAH ay JE na TAGAWASAK.
Kung magbabasa tayo ng mga komentaryo ng mga Hudyo kaugnay sa pangalang JEHOVAH ay mapapansin natin na TUTOL sila sa salitang ito.
Hindi na kataka-taka, hindi po ba?
Pero ano ang tamang PANGALAN ng DIYOS?
Ayon sa JEWISH ENCYCLOPEDIA, ang pinakamalapit na bigkas sa YHWH ay "YAHWEH."
Ayon sa isang historian, binigkas ng mga Samaritano (isang kalabang sekta ng mga Hudyo) ang pangalan ng Diyos bilang "IABE." (BIGKAS: I-YA-WE)
Ang mga unang Kristiyano ay binanggit ito ng "IAOUE" o "IAOUAI."
MISMO pong mga HUDYO at HEBREO ay HINDI TINATANGGAP ang "JEHOVAH" bilang PANGALAN ng DIYOS.
Heto po ang MABABASA NATIN sa JEWISH ENCYCLOPEDIA ukol sa topic na "JEHOVAH".
"JEHOVAH
A mispronunciation (introduced by Christian theologians, but almost entirely disregarded by the Jews) of the Hebrew "Yhwh," the (ineffable) name of God (the Tetragrammaton or "Shem ha-Meforash"). This pronunciation is grammatically impossible ..."
NAKIKITA po NINYO?
AYON sa mga MISMONG HUDYO ay "MISPRONUNCIATION" LANG ang JEHOVAH na "almost entirely disregarded by the Jews."
Dapat diyan pa lang po ay NAMUMULAT NA ang mga NAGPUPUMILIT na PANGALAN ng DIYOS ang JEHOVAH.
Kung ang mga MISMONG HUDYO na PINANGGALINGAN ng "YHWH" ay HINDI KINIKILALA ang "JEHOVAH" ay BAKIT MAGMAMATIGAS pa ang ULO ng mga NANINIWALA sa "MALING BIGKAS" na iyan?
Dagdag pa po ng JEWISH ENCYCLOPEDIA, "The reading "Jehovah" is a comparatively recent invention."