Friday, February 5, 2010

KASAGUTAN SA TANONG MO BY KA ROGELIO

alam ko lahat tayo naghahanap ng sagot sa katanungan at ang ating paghahanap ng tungkol sa Dios ay walang Hangganan.
well! ito ang sagot ko sa tanong mo.
Sino kamo yong unang nilalang na Babae at Lalake,ito ay si Adan at si Eva. Ang Pangalang Adan ay Kinuha sa 4 na Buntala, at ang Pangalan naman ni Eva ay nanggaling sa tatlong Great rivers.
Ngayon ang Dalaway pinagpala ng Dios at silay nagkaanak.
Sa Biblia o BANAL NA KASULATAN ay di palaging binabanggit ang mga Ngalan ng Babae,bagkus mga lalake lamang. Sangayon sa lihim na kasaysayan .si Adan at Eva ay naganak ng dalawang lalake ngunit di binanggit na silay parehong may kakambal na kapatid na babae. kaya ang balak talaga ay mag cross breeding sila. ang kakambal ni Cain ang magiging asawa ni Abel ,at ang kakambal naman ni Abel ang magiging asawa ni Cain. Ngunit sa di nagustuhan ni Cain ang kakambal ni Abel na magiging asawa nya ,Kaya nagseselos si Cain Dahil ang kakambal niya na napakaganda ay mapapangasawa ni Abel at ang Pangit na kakambal ni Abel syang magiging asawa nya. kaya sa pangyayaring yon di niya matanggap na Pangit ang magiging asawa nya,(non palang kapanahunan nila ay may pangit na).kaya ang nangyari pinatay niya si Abel para mapangasawa niya ang kakambal niya.Nagaalay si Cain sa Panginoon ay hindi ito tinanggap sapagkat itong si Cain ay may galit na kay Abel at ang iniisip niya na ang gusto niyang mapangasawa ay ang kakambal niya ,at hindi ang kakambal ni Abel. iyon ang unang pagpatay ng tao sa kapwa. Umalis si Cain at tumira sa loob ng cueva ,na ang tawag ay cave of jewels, dahil sa mga nagkikislapang mga batong hiyas doon. at Si Adan at Eva ay nagkaanak pa ng isang lalake si Enoch,na tumira naman sa itaas ng bundok. at silay tinawag na mga anak ng Dios. Sa Biblia ay di gaanong ipinaliwanag ang dahilan kung bakit pinatay ni Cain si Abel na kapatid niya.
PASIMULA

NG HINDI PA YARI ANG LANGIT AT LUPA ,
ANG PANGALANG MARIA SA DIOS INISIP
NA MAGAARUGA AT MAGTATANGKILIK,
SA DIVINO PASTOR NITONG SANGDAIGDIG.

NG GAWIN NG DIOS NA HARING MARANGAL
ITONG BUONG MUNDO NA KANYANG NILALANG.
AY ARAW NG LINGGO NG ITO'Y SIMULAN,
NG CREAVIT SANCTIBUS CLARUM ET TERRAM.

NG KINABUKASAN ARAW NG LUNES, AY SIYANG
PAGGAWA PERMAMENTENG LANGIT,
SAKA NAMAN YAONG LUPA AT ELEMENTONG TUBIG
NA MAYROONG MATABANG ,MAALAT, MAPAIT.

NG ARAW NG MARTES AY SIYANG PAGGAWA,
SARI SARING HAYOP AT HALAMANG MADLA.
YAONG TANANG HAYOP NA NAGSISIGALA,
TALAGA NG DIOS SA TAO'Y BIYAYA.

ARAW NG MIERCULES GINAWANG SARILI,
ANG ARAW AT BUWAN BITUING MARAMI,
YAONG TANANG TALA SA LANGIT PALAMUTI
MAKALILIWANAG NITONG BUONG ORBE.

NG ARAW NG HUEVES ISINUNOD NAMAN
SARI SARING IBON NA NAGLILIPARAN
AT ANG TANGING ISDA SA TUBIG ANG
TAHAN,SA TAO'Y TALAGANG PAKIKINABANGAN.

NG ARAW NG VIERNES ANG SABI SA BANAL NA AKLAT
BILANG IKA ANIM NG ARAW NA HUSTO,
AY SIYANG PAGGAWA'T PAGLIKHA SA TAO,
NUNO NATING ADAN SUMAPARAISO.

SAKA MATAPOS AT NG MABUO NA GINAWANG
LARAWAN SA TAONG ITSURA,
NILAGYAN NG SENTIDOT SANGKAP NA POTENCIA
SAKA HININGAHAN_ _ _ _ _ AY NAGING TAO NA.

SANGAYON SA BANAL NA KASULATAN, YAONG INIHIKAB
PANGALAN NG DIOS, NA KARAPAT DAPAT SA SINO
MANG TAONG MAKAPAG IINGAT NG AKLAT NA ITO AY
IPAGTATAPAT.
AMEN.
IKAW PA LAMANG ANG NAPAGSHARAN KO NG LIHIM NA ITO. PAPALAD KA.
SUMAIYO ANG PAGPAPALA NG HOLY TRINITY.